Recent update

Subscribe to RSS feed

di ako pansin

June 13th, 2008 by heavenknows-03

Plp4_2

Plp3   

unang araw ng klase

June 10, 2008

akala ko masaya ang magiging araw ko

lalo na ng makita kita

sa labas ng plp

pero hindi pala

oo nga nakita kita

pero anu nangyari

di ba hindi mo ko pinansin

ako tinignan kita

pero wala man lang reaksyon na ginawa

akala ko ok na tayo

nagsorry na ko sayo sa txt pero anu

wala ka man lang reply

kahit isang blank message la ako natanggap

binaba ko na nga pride ko

humingi lang ng sorry sayo

hindi ko dapat ginawa un pero

kelangan ko kc may iniingatan ako

alam mo kung anu

un ung friendship na hindi mo ibinigay for second chance

feeling ko nga ako na pinakamasamang tao sa mundo

lalo na nung may nagsabi sa akin na sinabihan kita ng mga masasamang salita ng hindi mo alam ang dahilan

di lang talaga nila alam na kaya lang naman ako nagsalita ng ganun kasi ikaw sinabihan mo din ako ng mga masasama

pero hindi mo ko masisisi kasi nasaktan ako dun

saka hindi ko inaakala na masasabi mo saken un

akala ko nga nung una tayong magkausap sa text e ok na tayo

pero anu ginawa mo parang sa isang text ko lang

sinira at binago mo lahat

sinabihan mo kong wag kitang kulitin

wag na kitang i text

layuan na kita

hindi ako marunong umintindi

nagulat ako sa mga sinabi mong yon

pero binaon ko lahat yon sa limot

inisip ko na baka naguguluhan ka lang ng oras na un

takot na akong lumapit sayo

takot na akong magtext sayo

takot na ko gumalaw lalo na tungkol sayo

natatakot akong sabihan mo na naman ako ng masasamang salita

takot na akong masaktan muli lalo na at ikaw ang may gawa

alam mo kong bakit kasi ayaw kong isipin at itatak sa isip ko na ikaw ay masamang tao

gusto ko na lang isipin na nakilala kita ng walang ibig sabihin

na parang hindi ka dumating sa buhay ko para maging malapit na kaibigan

hindi ka dumating sa buhay ko para mahalin ka at mahalin ako

basta dumating ka na lang sa buhay ko na isang ordinaryong tao

na hindi ko kinakausap kasi hindi dapat

hindi ko nakikita dahil hindi naman dapat makita

hindi ko hahanapin dahil walang karapatan na hanapin

hindi ko makasama dahil hindi ko dapat makasama

yung talagang walang koneksyon sa isat isa

na parang hindi talaga tinakda na maging magkakilala

gusto kong magsimula sa blanko

maging magkakilala man

wala ng malalim pang ibig sabihin

i want to start from scratch.

Posted in Uncategorized | | |


One Response to ' di ako pansin '

Subscribe to comments with RSS or TrackBack to ' di ako pansin '.


  1. on June 24th, 2008 at 1:51 am

    weeeeeeeeeeee elow “:)

Leave a reply


Categories

Archives

Meta